Posts

Sanya Lopez, leading lady ni Bong Revilla sa bagong GMA show

Image
Si Sanya Lopez ang tatayong kapareha ni Bong Revilla sa bagong weekly fantasy series ng GMA na 'Agimat ng Agila' na magsisimula nang ipalabas ngayong 2021. Noong ikalawang lingo ng Disyembre nagsimula ang lock-in taping ng nasabing show na tumagal ng dalawang lingo bago ang Christmas break. Sa Tanay at Antipolo, Rizal kinunan ang Agimat ni Agila na ayon sa direktor nitong si Rico Gutierrez ay pang isang season na ang kinunan para hindi na nila kailangang bumalik pa sa Rizal para sa taong ito. Maliban sa Agimat ng Agila ay naka-lock in taping din si Lopez para sa Kapuso Primetime series na 'First Yaya' kung saan ay katambal naman niya ang award-winning actor na si Gabby Concepcion.

Concert ni Alden Richards, mapapanood ngayong Enero

Image
Maagang regalo para sa taong 2021 ang matatanggap ng mga tagahanga ni Asia's Multimedia Star Alden Richards dahil mapapanood na sa free TV ang kaniyang 'Alden's Reality: The Virtual Reality Concert' ngayong Enero sa GMA Network. Ang Alden's Reality ang kauna-unahang virtual reality concert sa bansa na ginanap noong December 8 at 9 para sa ika-10 na anibersaryo ni Richards sa showbusiness. Ilan sa mga dumalo bilang guest performers ay ang mag kaibigan ni Richards sa showbiz tulad ng magkapatid na Rodjun at Rayver Cruz. Mapapanood sa nasabing concert ang pagkanta ni Richards sa "God Gave Me You" at ang bagong single nitong "Goin' Crazy." Sasayawin din niya ang hit single ng BTS na "Dynamite"  at bibigyang pugay ang mga naging leading ladies nito na naging parte na ng kaniyang showbiz career kasama ang OPM band na December Avenue. Mula sa direksyon ni Paolo Valenciano, ang Alden's Reality ay prinoduce ng Synergy: A GMA Collaboratio

Lani Misalucha, ibinahagi ang rason ng pagkawala sa 'The Clash'

Image
Sa naganap na The Clash Christmas Special noong Biyernes, December 25, ay maluha-luhang ibinahagi ni Asia's Nightingale Lani Misalucha ang dahilan ng kaniyang pagkawala sa season 3 ng 'The Clash' bilang Clash panel. Umiiyak na ikinuwento ni Misalucha na nabingi ang kaniyang pandinig sa kanang tainga matapos siyang dapuan ng bacterial meningitis, maging ang kaniyang asawa, na naging sanhi kung bakit sila na-confine sa ICU ng isang ospital. Matapos ang kaniyang performance ng "O, Holy Night" sa The Clash stage ay inamin ni Misalucha na na-mimiss na niya ang kaniyang The Clash family. Pinasalamatan din niya si Pops Fernandez na siyang humalili sa kaniya bilang hurado nang mawala siya sa show. Samantala ay nilinaw naman ni Misalucha na hindi COVID-19 ang naging sakit nito kundi mas malala pa sa naturang virus. Sa pamamagitan ng ng VTR ay isinalaysay ni Misalucha ang nangyari sa kanila ng kaniyang asawang si Noli Misalucha. "Bingi po talaga ang nangyari sa akin, s

Heart of Asia Channel, naglabas ng sariling Christmas Station ID

Image
Naglabas na rin ng sariling Christmas Station ID ang bagong digital channel ng GMA Network na Heart of Asia, ito ang "Punong-puno ng Puso ang Pasko" na kinanta nila Hannah Precillas at Anthony Rosaldo. Wala pang inilalabas na full version ang GMA sa nasabing kanta maliban sa 30-second music video nito kung saan ipinakita ang mga kasalukuyang shows ng naturang channel katulad ng  Morbito Final, My Daughter Geum Sa-wol, Into the World Again, Emperor: Ruler of the Mask, Switch, Amaya, Super Twins, Anna Karenina at Bangkok Love Stories Presents: Charming Girl. Ang Heart of Asia Channel ay mapapanood sa digital box ng GMA na GMA Affordabox kasama ang Hallypop at DepEd TV.

Kapuso Archives Best of 2020 list of nominees

Image
Narito na ang listahan ng mga nominado sa kauna-unahang Kapuso Archives Best of 2020! Best Primetime Drama Anak ni Waray vs Anak ni Biday Descendants of the Sun Love of My Life Best Daytime Drama Bilangin ang Bituin sa Langit Kaibigan: The Series Magkaagaw Prima Donnas Best Actor Dindong Dantes (Descendants of the Sun) Mikael Daez (Love of My Life Rocco Nacino (Descendants of the Sun) Tom Rodriguez (Love of My Life Wendell Ramos (Prima Donnas) Best Actress Carla Abellana (Love of My Life) Jennylyn Mercado (Descendants of the Sun) Jillian Ward (Prima Donnas) Mylene Dizon (Bilangin ang Bituin sa Langit) Nora Aunor (Bilangin ang Bituin sa Langit) Best Supporting Actor Dion Ignacio (Magkaagaw) Gabby Eigenmann (Bilangin ang Bituin sa Langit) Ian ignacio (Descendants of the Sun) Jay Manalo (Anak ni Waray vs Anak ni Biday) Neil Ryan Sese (Descendants of the Sun) Best Supporting Actress Aiko Melendez (Prima Donnas) Coney Reyes (Love of My Life) Dina Bonnevie (Anak ni Waray vs Anak ni Biday) Is

Glaiza de Castro, engaged na sa kaniyang Irish boyfriend

Image
Engaged na sa kaniyang Irish boyfriend na si David Rainey ang Kapuso actress na si Glaiza de Castro. Ito ang ibinahagi ni de Castro sa kaniyang Instagram (IG) account ilang oras bago ang Pasko matapos lumipad sa Ireland upang ipagdiwang ang Kapaskuhan kasama ang pamilya ni Rainey. Sa kaniyang IG ay inupload ni de Castro ang kaniyang litrato kung saan ipinapakita nito ang kaniyang engagement ring kasama ang caption na "Who would've thought I'd say yes in freezing cold weather... it just felt right." Umani naman ng pagbati si de Castro mula sa kaniyang mga kaibigan at katrabaho sa showbiz tulad nila Carla Abellana, Gabby Eigenmann, Angelica Panganiban at Iza Calzado.

Richard Yap, nagtaping na para sa unang Kapuso project

Image
Nagsimula nang magtaping ang bagong Kapuso na si Richard Yap sa kaniyang kauna-unahang Kapuso project. Sa ilang behind-the-scene photos na inilabas ng GMA Network ay makikitang magka-eksena sina Yap at Eugene Domingo para sa isang episode ng comedy-anthology na 'Dear Uge'. Ayon sa interview ni Yap sa unang hirit ay overwhelmed umano ang aktor dahil hindi nito inaasahang darating ang araw na magiging ganap siyang Kapuso talent. Ibinahagi nito na noong nakaraang taon ay isang offer ang natanggap niya mula sa GMA subalit hindi niya ito tinanggap dahil mayroon pa siyang kasalukuyang project sa ABS-CBN. Opisyal na pumirma ng kontrata sa GMA Artist Center si Yap noong December 16, 2020. Wala pang detalye kung kailan ipapalabas ang guesting nito sa Dear Uge na mapapanood pagkatapos ng All-Out Sundays.

'Fates & Furies', opening salvo ng GMA The Heart of Asia ngayong 2021

Image
Ang 2018 South Korean drama na 'Fates and Furies' ang unang handog ng GMA The Heart of Asia sa pagsapit ng bagong taon. Iikot ang palabas sa kuwento ng pangarap at ambisyon ni Hera na ginampanan ni Lee Min-jung, may-ari ng pagawaan ng mga pekeng sapatos. Mababaon siya sa utang matapos mamatay ang kaniyang ama na lalong magigigpit dahil sa gastusin ng kaniyang kapatid na kasalukuyang comatose sa ospital. Sa kabila ng mga problemang kaniyang kinakaharap ay nais paring ipagpatuloy ni Hera ang pangarap na gawing kilalang brand ang kaniyang shoe shop at ang tanging naiisip niyang sagot dito ay magkaroon ng pera na makukuha niya sa pagdating ni Theo (Lee Ki-woo) sa kaniyang buhay. Aatasan siya ni Theo na sirain ang relasyon nila Gino (Joo Sang-wook) at ang fiancee nitong si Suzy (So E-hyun) kapalit ng malaking halaga ng pera. Mula sa panulat ni Kang Cheol-woong at direksyon nila Jung Dong-yoon at Cho Young-min, mapapanood ang Fate and Furies sa GMA Network simula January 4 bago mag-E