Concert ni Alden Richards, mapapanood ngayong Enero


Maagang regalo para sa taong 2021 ang matatanggap ng mga tagahanga ni Asia's Multimedia Star Alden Richards dahil mapapanood na sa free TV ang kaniyang 'Alden's Reality: The Virtual Reality Concert' ngayong Enero sa GMA Network.

Ang Alden's Reality ang kauna-unahang virtual reality concert sa bansa na ginanap noong December 8 at 9 para sa ika-10 na anibersaryo ni Richards sa showbusiness. Ilan sa mga dumalo bilang guest performers ay ang mag kaibigan ni Richards sa showbiz tulad ng magkapatid na Rodjun at Rayver Cruz.

Mapapanood sa nasabing concert ang pagkanta ni Richards sa "God Gave Me You" at ang bagong single nitong "Goin' Crazy." Sasayawin din niya ang hit single ng BTS na "Dynamite" at bibigyang pugay ang mga naging leading ladies nito na naging parte na ng kaniyang showbiz career kasama ang OPM band na December Avenue.

Mula sa direksyon ni Paolo Valenciano, ang Alden's Reality ay prinoduce ng Synergy: A GMA Collaboration.

Comments

Popular posts from this blog

Kapuso Archives Best of 2020 list of nominees

Heart of Asia Channel, naglabas ng sariling Christmas Station ID

Richard Yap, nagtaping na para sa unang Kapuso project