Richard Yap, nagtaping na para sa unang Kapuso project


Nagsimula nang magtaping ang bagong Kapuso na si Richard Yap sa kaniyang kauna-unahang Kapuso project. Sa ilang behind-the-scene photos na inilabas ng GMA Network ay makikitang magka-eksena sina Yap at Eugene Domingo para sa isang episode ng comedy-anthology na 'Dear Uge'.

Ayon sa interview ni Yap sa unang hirit ay overwhelmed umano ang aktor dahil hindi nito inaasahang darating ang araw na magiging ganap siyang Kapuso talent. Ibinahagi nito na noong nakaraang taon ay isang offer ang natanggap niya mula sa GMA subalit hindi niya ito tinanggap dahil mayroon pa siyang kasalukuyang project sa ABS-CBN.

Opisyal na pumirma ng kontrata sa GMA Artist Center si Yap noong December 16, 2020. Wala pang detalye kung kailan ipapalabas ang guesting nito sa Dear Uge na mapapanood pagkatapos ng All-Out Sundays.

Comments

  1. First Half Gambling Casino Games in the Netherlands starvegad starvegad 메리트카지노 메리트카지노 1602Pharaohs Fortune Free Play | Jupiters Casino

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Kapuso Archives Best of 2020 list of nominees

Heart of Asia Channel, naglabas ng sariling Christmas Station ID