'Fates & Furies', opening salvo ng GMA The Heart of Asia ngayong 2021


Ang 2018 South Korean drama na 'Fates and Furies' ang unang handog ng GMA The Heart of Asia sa pagsapit ng bagong taon.

Iikot ang palabas sa kuwento ng pangarap at ambisyon ni Hera na ginampanan ni Lee Min-jung, may-ari ng pagawaan ng mga pekeng sapatos. Mababaon siya sa utang matapos mamatay ang kaniyang ama na lalong magigigpit dahil sa gastusin ng kaniyang kapatid na kasalukuyang comatose sa ospital.

Sa kabila ng mga problemang kaniyang kinakaharap ay nais paring ipagpatuloy ni Hera ang pangarap na gawing kilalang brand ang kaniyang shoe shop at ang tanging naiisip niyang sagot dito ay magkaroon ng pera na makukuha niya sa pagdating ni Theo (Lee Ki-woo) sa kaniyang buhay. Aatasan siya ni Theo na sirain ang relasyon nila Gino (Joo Sang-wook) at ang fiancee nitong si Suzy (So E-hyun) kapalit ng malaking halaga ng pera.

Mula sa panulat ni Kang Cheol-woong at direksyon nila Jung Dong-yoon at Cho Young-min, mapapanood ang Fate and Furies sa GMA Network simula January 4 bago mag-Eat Bulaga.

Comments

Popular posts from this blog

Kapuso Archives Best of 2020 list of nominees

Heart of Asia Channel, naglabas ng sariling Christmas Station ID

Richard Yap, nagtaping na para sa unang Kapuso project