Glaiza de Castro, engaged na sa kaniyang Irish boyfriend
Engaged na sa kaniyang Irish boyfriend na si David Rainey ang Kapuso actress na si Glaiza de Castro. Ito ang ibinahagi ni de Castro sa kaniyang Instagram (IG) account ilang oras bago ang Pasko matapos lumipad sa Ireland upang ipagdiwang ang Kapaskuhan kasama ang pamilya ni Rainey.
Sa kaniyang IG ay inupload ni de Castro ang kaniyang litrato kung saan ipinapakita nito ang kaniyang engagement ring kasama ang caption na "Who would've thought I'd say yes in freezing cold weather... it just felt right."
Umani naman ng pagbati si de Castro mula sa kaniyang mga kaibigan at katrabaho sa showbiz tulad nila Carla Abellana, Gabby Eigenmann, Angelica Panganiban at Iza Calzado.
Comments
Post a Comment