Lani Misalucha, ibinahagi ang rason ng pagkawala sa 'The Clash'
Sa naganap na The Clash Christmas Special noong Biyernes, December 25, ay maluha-luhang ibinahagi ni Asia's Nightingale Lani Misalucha ang dahilan ng kaniyang pagkawala sa season 3 ng 'The Clash' bilang Clash panel.
Umiiyak na ikinuwento ni Misalucha na nabingi ang kaniyang pandinig sa kanang tainga matapos siyang dapuan ng bacterial meningitis, maging ang kaniyang asawa, na naging sanhi kung bakit sila na-confine sa ICU ng isang ospital.
Matapos ang kaniyang performance ng "O, Holy Night" sa The Clash stage ay inamin ni Misalucha na na-mimiss na niya ang kaniyang The Clash family. Pinasalamatan din niya si Pops Fernandez na siyang humalili sa kaniya bilang hurado nang mawala siya sa show. Samantala ay nilinaw naman ni Misalucha na hindi COVID-19 ang naging sakit nito kundi mas malala pa sa naturang virus.
Sa pamamagitan ng ng VTR ay isinalaysay ni Misalucha ang nangyari sa kanila ng kaniyang asawang si Noli Misalucha.
"Bingi po talaga ang nangyari sa akin, sa right side ko, sa aming mag-asawa. At meron po kaming vestibular dysfunction kaya kailangan namin ng alalay lagi."
Mapapansin na sa buong performance ni Misalucha sa naganap na The Clash Christmas Special ay nakaupo lang siya at nahihirapang pakinggan ang musikang kaniyang kinakanta.
Sa pakikipag-usap ng Philippine Entertainment Portal kay Misalucha noong December 17 ay isinalaysay nitong isang restaurant na kanilang pinuntahan ang naging suspetsa nito kung saan nila nakuha ang bacteria na dumali sa kanilang dalawa.
Comments
Post a Comment