Sanya Lopez, leading lady ni Bong Revilla sa bagong GMA show


Si Sanya Lopez ang tatayong kapareha ni Bong Revilla sa bagong weekly fantasy series ng GMA na 'Agimat ng Agila' na magsisimula nang ipalabas ngayong 2021.

Noong ikalawang lingo ng Disyembre nagsimula ang lock-in taping ng nasabing show na tumagal ng dalawang lingo bago ang Christmas break. Sa Tanay at Antipolo, Rizal kinunan ang Agimat ni Agila na ayon sa direktor nitong si Rico Gutierrez ay pang isang season na ang kinunan para hindi na nila kailangang bumalik pa sa Rizal para sa taong ito.

Maliban sa Agimat ng Agila ay naka-lock in taping din si Lopez para sa Kapuso Primetime series na 'First Yaya' kung saan ay katambal naman niya ang award-winning actor na si Gabby Concepcion.

Comments

Popular posts from this blog

Kapuso Archives Best of 2020 list of nominees

Heart of Asia Channel, naglabas ng sariling Christmas Station ID

Richard Yap, nagtaping na para sa unang Kapuso project